Advertisers
Ni MERCY LEJARDE
NATANONG ni yours truly ang longtime friendship namin na beteranang aktres na si Isabel Rivas kung boto ba siya kay Cristine Reyes na karelasyon ngayon in real life ng kanyang pamangkin na si Marco Gumabao.
“Kung nagmamahalan silang dalawa, why not? I am happy for Marco at Cristine kasi they look very nice together. At kung anuman ang naging past relationships ni Cristine, past na yon. Past is past ika nga,” katuwiran ni Isabel.
Tipong masaya ang aktor sa relasyon nila ni Cristine in pernes base na rin sa nakikita naming samahan nila sa ilang preskon at premiere night na kanilang dinaluhan kamakailan.
Sa tanong naman ng ilang tribu ni Mosang kung okay lang ba kay Cristine ang ginagawa niyang pagpapaseksi sa ilang pelikulang nagawa na niya ay sinagot ito ni Marco sa panayam sa kanya ni Kuya Boy Abunda. Nilinaw ni Marco na walang kinalaman si Cristine sa kanyang naging desisyon na tigilan na ang pagpapaseksi sa mga pelikula.
“Sarili ko, hindi naman pwede sa lahat ng mga project mo magpapakita ka. Kumbaga ano ang ilu-look forward ng fans mo? Ang pelikula naman never mawawala. Hangga’t nandiyan ang isang pelikula kahit years, hindi na siya mawawala. So kota na siguro ako para doon,” giit ng binata.
So in short, titigil na ang isang Marco Gumabao sa pagpapaseksi lalo na sa pagpapakita ng puwet, boom, ganernn!
At siyempre, kung magpapaseksi man siya dapat sa harap lang ng labs niyang si Cristine, pak, yun na!
Hindi pa masabi ng longtime friendship naming si Isabel kung kelan magpapakasal ang dalawa.
“Siguro sa tamang panahon,” sey lang ng Isabel.
Oo nga naman.
At in pernes, tipong si Cristine ang hinuhubog ng Viva Films para maging best actress nila sa mga darating na award giving bodies dahil ang gaganda ng mga role na ibinibigay sa aktres.
***
“SENIOR HIGH” AVAILABLE NA NANG LIBRE AT ON-DEMAND SA US, CANADA, EUROPE, MIDDLE EAST, AT AUSTRALIA
GAWING masaya ang bawat Lunes sa panonood ng “Senior High,” tampok si Andrea Brillantes, dahil available na ito sa buong mundo nang libre at on-demand sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.
Pwede nang magbinge-watch ng pinakabagong episodes ng trending Kapamilya teleserye sa US, Canada, Europe, Middle East, at Australia kung saan week-long episodes ang ipalalabas kada Lunes simula Setyembre 11.
Patuloy na umaani ng papuri ang “Senior High” para sa mahalagang mensahe ng kwento tungkol sa mga isyung kinakaharap ng kabataan ngayon tulad ng bullying, mental health, peer pressure, substance abuse, at iba pa. Nakalikom na ito ng pinagsama-samang higit 38 milyong digital views sa YouTube, Facebook, at iWantTFC para sa unang dalawang linggo ng serye.
Panoorin ang “Senior High” nang libre at on-demand sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.