Advertisers

Advertisers

Ellen gumiling habang nakapatong kay Derek, netizens nasagwaan

0 283

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

NATUWA ang netizens nang magpakita ng suporta si Sharon Cuneta sa anak na si KC Concepcion.
May international film ang panangay nila ni Gabby Concepcion sa kauna- unahang pagkakataon.
Yes, sinabi nga ni Sharon na magbibida si KC sa isang Hollywood film na may titulong Asian Persuasion.
Nakiusap pa nga si Sharon na suportahan at panoorin ang first international ng anak.
Ikinatuwa naman ni KC ang all out support ng kanyang ina sa bagong journey sa kanyang karera.
Hindi man daw siya perfect na anak, ginagawa naman nito ang lahat para sa kanyang magulang.
Happy ang netizens na okey na ang relasyon ng mag-inang KC at Sharon.
Kahit ang biological father ni KC na si Gabby ay natuwa sa suporta ni Megastar sa kanilang anak sa bago nitong project na international.
***
NANGGAGALAITI ang netizens, ang dapat daw patawan ng 12 days suspension ay ang paggiling ni Ellen Adarna.
Kung puwede nga lang daw ba sakupin ng MTRCB ang socmed bakit hindi, di ba?
Marami raw kasing nabastusan na netizens sa ginawang paggiling ni Ellen sa mister na si Derek Ramsay.
Ibinahagi ng couple ang nasabing video na parang trip or katuwaan lang.
Pero may mga netizen na nababuyan at nairita sa ginawa ni Ellen.
Kaya raw naging masagwa ay gumiling si Ellen habang nakapatong kay Derek.
Mga ganyan nga raw ang dapat na sinusupende na kahalayan ng MTRCB pero ibang mundo ang socmed.
Tahimik pa rin ang couple sa mga bira ng bashers sa ginawang paggiling ng esmi ni Derek.
Well, well, well…’Yun na!

Leave A Reply

Your email address will not be published.