Advertisers
NASA mahigit P100k halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang tulak ng illegal na droga sa ikinasang buy bust operation sa Navotas City nitong Sabado ng madaling- araw.
Kinilala ni Navotas Police Chief P/Col. Mario Cortes ang mga suspek na sina Eligio Delos Reyes alyas Gio, 23 ng Judge Roldan St., Brgy. San Roque; at John Albert De Guzman alyas Abet, 22 ng Sampaguita St., Brgy. Tanza.
Sa report ni Col. Cortes kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ng impormasyon ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Cpt. Genere Sanchez hinggil sa pagbebenta ng illegal na droga ni Delos Reyes kaya isinailalim nila ito sa validation at nang magpositibo, nagsagawa ang mga operatiba ng SDEU ng buy bust operation sa Judge Roldan St., Brgy. San Roque kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon kay Delos Reyes ng P2,500 halaga ng shabu.
Nasamsam sa mga suspek ang humigi’t kumulang 20.28 grams ng shabu na may standard drug price value na P137,904 at buy bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.(Beth Samson)