Advertisers

Advertisers

Higit 500 bilateral engagements plano ipatupad ng PH at US sa 2024

0 91

Advertisers

INANUNSYO ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na asahang magpapatuloy at madagdagan pa ang bilang ng mga operasyong isasagawa ng Pilipinas at Estados Unidos hanggang sa susunod na taon.

Ito ay kasunod ng kanilang isinagawang taunang Mutual Defense Board-Security Engagement Board meeting kasama ang US Indo-Pacific Command kamakailan lang sa AFP General Headquarters sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

Isa sa mga tinalakay ng dalawang hukbo sa naturang pagpupulong ay ang planong pagsasagawa ng nasa mahigit 500 bilateral engagements sa pagitan ng Pilipinas at Amerika para sa susunod na taon.



Kabilang na rito ay ang iba’t-ibang uri ng mga pagsasanay, high-level exchanges sa pagitan ng mga kaalyado nitong bansa, security cooperation activities, maritime security, information sharing, and capacity, at maging sa capability development.

Matatandaang, una nang sinabi ng AFP na ang kanilang naging pagpupulong ay naging matagumpay at nagresulta rin sa strategic collaboration na muling nagpapatibay sa commitment ng dalawang bansa sa pagpapatupad ng seguridad at kapayapaan sa buong Indo-Pacific region.