Advertisers

Advertisers

MPBL TO MPVA, PACMAN SA VOLLEYBALL NAMAN!

0 133

Advertisers

Tunay na Maharlikang palakasan lamang ang aayudahan ni Pacman. Nasa puso ni boxing icon,public servant ex-Senator Manny Pacquiao ang larangan ng sports sa bansa.

Naghandog ng higanteng karangalan sa bansa dahil sa kanyang record na 8 – world division champion sa boxing, mahusay din siya sa larangan ng basketball, billiards, chess at ngayon ay naka-pokus ang kanyang atensiyon sa larangan ng volleyball.

Inilunsad kahapon ang Maharlika Pilipinas Volleyball Association( MPVA) na tinampukan ng presensya ni Pacquiao at ng buong organisasyon ng torneong lalahukan ng 10 koponan mula national capital region at mga pilng koponan sa Luzon,Visayas at Mindanao..



“Layon natin ang lumawig pa ang lahat ng sports sa bansa kung saan ay potensyal na mage- excel ang Pilipino .

Dito sa volleyball ay optimistiko akong aangat ang Pinoy at mababawi ang gloryang tinatamasa ng pambansang koponan partikular noong dekada ’80 basta sa tamang direksyon at programa, at liderato,” wika ng tinaguriang Pambansang Kamao.

Nakatakdang sumambulat ang MPVA sa kalagitnaan ng susunod na buwan ng Oktubre. (Danny Simon)

Leave A Reply

Your email address will not be published.