Advertisers

Advertisers

PNP umaasang makakuha ng impormasyon sa ‘mastermind’ sa missing sabungeros

0 116

Advertisers

UMAASA si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Benjamin Acorda Jr. na matukoy ang mga nasa likod o mastermind sa mga nawawalang sabungero sa pagkakadakip ng 6 na mga suspek na dumukot sa 6 na sabungero sa Manila Arena Cockpit noong January 2022.

Ayon kay Acorda, umaasa siya na makikipagtulungan at magsasalita sa mga imbestigador ang 6 na mga nadakip na suspek sa pagsasabi o pagtuturo ng mga nasa likod o mastermind upang masampahan ang mga ito ng kaukulang kaso.

Magugunita na nadakip ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mga suspek na sina Julie Patidongan alias Dondon, Mark Carlo Zabala, Roberto Matillano Jr., Johnry Consolacion, Virgilio Bayog at Gleer Codilla sa isinagawang operation sa Parañaque City nitong Biyernes.



Ang mga suspek ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong kidnapping and serious illegal detention na ipinalabas ng Manila Regional Trial Court Branch 40, kaugnay ng pagdukot sa 6 na sabungero sa Manila Arena noong Jan. 13, 2022.

Sinabi ni Acorda na may ilang mga report na nabayaran o nasuhulan ang ilang mga testigo at biktima upang manahimik subalit sa pagkakadakip sa 6 na mga suspek umaasa siyang mayroong lalabas o lalantad na testigo para magbigay ng mga impormasyon ng mga nasa likod o mastermind sa krimen.

Nasa 34 kaso ng mga nawawalang sabungero ang patuloy na iniimbestigahan ng pulisya. (Mark Obleada)