Advertisers

Advertisers

SBMA, Harbour Centre JVA, repasuhin – BK3

0 139

Advertisers

HINIHILING ng isang consumer advocate group sa Korte Suprema na muling aralin ang desisyon nitong ipatupad ang isang joint venture agreement (JVA) sa pagitan ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) at Harbour Centre.

Ayon kay Atty. Karry Sison ng Bantay Konsyumer, Kalsada, Kuryente (BK3), ang JVA na nilagdaan noon pang Pebrero 2010 ay puno ng iregularidad. At ang kumpanyang napayagang mamahala ng ilang pantalan sa Subic Bay Freeport ay wala nang kakayahan na hawakan at patakbuhin ang mga ito.

Ani Sison, dismayado ang mga Subic locators, importers, shipowners at cargo owners sa nasabing desisyon. Maaring mabawasan o mawala nang tuluyan ang kita ng SBMA na sumusuporta sa mga serbisyo at imprastrukturang pampubliko ng pamayanan.



Maaari din aniyang magkaproblema sa supply chain lalo sa mga grains-based products – lalo na ngayong hirap na ang pamilyang Pilipino sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Nagpasa ang Harbour ng isang unsolicited proposal sa SBMA noong Nobyembre 2009 na panahon ni dating Pangulong Noynoy at makaraan ang tatlong buwan, naaprubahan ng noo’y administrador ng ahensiya ang JVA.

Dahil sa ilang kitang-kitang iregularidad, tumanggi ang mga sumunod na opisyal ng SBMA na ipatupad ang JVA.

Sa katunayan, iniutos ng Office of the Government Corporate Counsel na amyendahan ito alinsunod sa mga panuntunan ng National Economic and Development Authority (NEDA). Hindi nga ito nagbigay ng clearance hanggang sa tuluyan nitong ipawalang-bisa ang kasunduan kinalaunan.

Sinabi ni Sison na sa kasalukuyan, napipilitan lamang ang SBMA na ipatupad ang kasunduan nito sa Harbour Centre. Hindi aniya kasi ito makatarungan para sa mga locator at iba pang negosyong tumulong na mapaunlad ang Subic mula sa pagkakalugmok nito dahil sa pagsabog ng Mt. Pinatubo.

Naniniwala ang BK3 na hindi maganda ang mensaheng ihahatid kapag ipinilit ang pagpapatupad ng nasabing JVA.



Sobrang taliwas kasi ito sa pagsisikap ni Pangulong Bongbong Marcos na ayusin ang mga proseso sa gobyerno sa ngalan ng maayos na pamamahala.

Leave A Reply

Your email address will not be published.