Advertisers

Advertisers

2 tulak huli sa P183K sa Malabon

0 51

Advertisers

Pinuri ni Northern Police District Director PBGen. Rizalito Gapas ang Malabon Police Station nang makasakote ng higit P183k halaga ng shabu sa lungsod ng Malabon.

Kinilala ni Police Chief PCol. Jay Baybayan ang mga suspek na sina Ariel Santos y Marcilungan, 31, ng #780 Kagandahan St Gagalangin Tondo, Manila; at Jacquelyn Marquez y De Pedro @ Xerox, 30, ng #154 Magtanggol St. Brgy. Maypajo, Caloocan City.

Nakumpiska sa mga suspek ang shabu na nagkakahalaga ng P183,600.00 sa isinagawang buy bust operation.



Sa ulat ni Col. Baybayan.kay NPD Director PBGen. Gapas, may mga nagpaparating sa MCPS-DEU sa pagbebenta ng droga sa lugar ng suspek kaya matapos magsagawa ng balidasyom nagkasa ng buy-bust operation ang pulisya kung saan nakabili ang poseur buyer na pulis ng droga

Sa report, 1:20 ng madaling araw ng maaresto ang mga suspek sa kahabaan ng C4 Road, Barangay Tañong, Malabon City na nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Nakadetine ang dalawang suspek sa MCPS na sasailalim sa inquest proceedings sa City Prosecutor’ s office.(Beth Samson)