Advertisers
Inilatag ni Senador Christopher “Bong” Go ang kanyang tatlong panukala o estratehiya para labanan ang problema sa droga sa bansa na nagbibigay-diin sa law enforcement, rehabilitation at prevention.
Ayon kay Go, noong panahon ni dating) Pangulong Rodrigo Duterte ay naging massive ang drug campaign at kung ano man ang diskarte ngayon ni Pangulonbg Bongbong Marcos ay suportado niya basta patuloy na labanan ang iligal na droga.
“Kapag bumalik po ang iligal na droga, babalik ang korapsyon sa gobyerno, babalik ang kriminalidad, delikado po tayo,” ani Go.
Ang unang diskarte, ayon kay Go ay nakatuon sa pagpapalakas sa law enforcement pero kinakailangang tiyaking makukuha ang tiwala ng mga taong siyang dapat protektahan sa kampanya laban sa iligal na droga.
“Dito papasok ang maayos na pulisya and other law enforcement agencies,” ani Go.
Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mapagkakatiwalaan at corruption-free police force upang epektibong malabanan ang mga sindikato sa droga.
Ang ikalawang diskarte ay ang rehabilitasyon sa mga gumagamit ng droga na karamihan ay biktima lamang.
Sa katunayan, naghain si Go ng panukalang i-institutionalize ang technical vocational education at livelihood program na idinisenyo para sa rehabilitated drug dependents.
Iminungkahi rin ni Go ang Senate Bill No. 428 na layong magtatag ng Drug Rehabilitation and Treatment Centers sa bawat lalawigan sa buong bansa.
Ang ikatlong diskarte ay nakasentro sa prevention, partikular sa mga kabataan.
Sinabi ni Go na dapat iengganyo ang kabataan na makilahok sa mga palakasan na isang paraan mailayo sila sa droga.
Bilang chairperson ng Senate committee on sports, isinusulong ni Go ang mga programa at imprastraktura na may kinalaman sa sports bilang isang paraan upang ilihis ang mga kabataan mula sa mapang-akit na adiksyon at kriminalidad.
Iniakda ni Go ang Republic Act No. 11470 na humantong sa pagtatatag ng National Academy of Sports (NAS) sa New Clark City sa Capas, Tarlac. Binuo sa pakikipag-ugnayan sa PSC at Department of Education, nag-aalok ang NAS ng isang espesyal na programa sa sekondaryang edukasyon na nakatuon sa palakasan.
“Pwede silang mag-training, at the same time, mag-aral. Pwede silang mag-aral, at the same time, mag-training. Wala pong masasakripisyo. ‘Yan po ang National Academy of Sports, batas na po at may sariling kakayahan,” ayon sa senador.
Naniniwala si Go na ang sports ay makatutulong hindi lamang sa pisikal na kalusugan kundi maging sa moral values ??at disiplina ng mga kabataan.