Advertisers

Advertisers

Kastila, Aleman at Amerikano!

0 174

Advertisers

Alam nyo bang nagmula lang sa tatlong bansa ang mga tinanghal na Most Valuable Player ng mga huling anim na edition ng FIBA World Cup.

Opo dalawa galing Spain, dalawa taga- Germany at dalawa rin tubong-USA umpisa ng 2002 WC.

Sila ang mga Deutsch na sina Dirk Nowitzki (2002) at Dennis Schroder (2023), ang mga Kastilaloy na sina Pau Gasol (2006) at Ricky Rubio (2019) pati ang mga Kanong sina Kevin Durant (2010) at Kyrie Irving (2014).



Kampeon din ang mga bansa nila sa mga taong ginawaran sila ng MVP na award maliban noong 2002 na ang nagwagi ay ang Yugoslavia pero si Nowitzki ang best player.

Kung lalaro na sa 2027 sa Doha ang mga NBA superstar ay malamang babalik na sa Estados Unidos ang James Naismith na tropeo at taga-liga rin nina MJ at LBJ ang bibigyan ng MVP honor.

Kung gayon ay magiging swak na ulit na tawaging world champion ang makakuha ng titulo ng NBA.

Ngayon nahiya si LeBron James sa buong mundo na hindi legit ang taguri sa kanila at ngayong taon sa Denver Nuggets.

Hayun nagrerecruit na si King James para sa 2024 Paris Olympics.

***



Si Chot Reyes ang may pinakamahabang tenure bilang coach ng Gilas.

O di ba ibig sabihin malakas siya kay Manny Pangilinan at sa mga boss ng Samahan ng Basketbol ng Pilipinas.

Oo kahit hindi niya tayo napagkampeon sa Asya at naolat pa tayo minsan sa SEA.

Tapos nang nawala minsan sa pambansang koponan dahil sa basketbrawl vs Australia ay pinuwesto namang pangulo ng TV5 kahit halos walang karanasan sa industriya. Galing, ano?

***

Ire palang si Rodney Brondial ng SMB may vlog na mga joke na nasumpungan natin sa Facebook. Ang setting niya ang freetime nila sa praktis ng Beermen kaya kasama niya mga kakampi tulad ni JuneMar Fajardo. Karamihan tungkol sa katropa niyang OFW ang paksa pero may hinggil rin kina JUAN at PEDRO. Heto isang sample na patawa nila.

Sina Juan at Pedro ay matalik na magkaibigan at adik sa basketball.

Juan- Kung sino una sa atin mamamatay ay dalawin natin ang isa’t isa para ibalita kung may basketball sa langit.

Pedro – O sige ayos yan. Kaya kung mauna ka dalawin mo ako kahit sa panaginip at ikwento kung naglalaro sila doon nina San Pedro.

Ako, ganoon din sa iyo.

Lumipas ang mga taon at naaksidente si Juan. Hindi nakaligtas at binawian ng buhay. Gaya ng usapan nilang magkumpare ay nagpakita siya sa kasangga sa panaginip.

Juan- Pedro may good news at bad news ako sa iyo.

Pedro- Juan unahin mo na ang magandang balita. Ano yon?

Juan- Pare, may basketball nga sa langit.

Pedro- wow, ok yan. Eh ano naman ang bad news?

Juan- Maghanda ka na. May game tayo next week!

Pedro – Ngek! (at hinimatay)

Leave A Reply

Your email address will not be published.