Advertisers
NASUNGKIT ni Filipino pole vaulter EJ Obiena ang second-place finish sa Wanda Diamond League finals sa lundag na 5.82 meters sa Hayward Field sa Eugene, Oregon Linggo ng umaga.
Pero tinanghal na kampeon ang Olympic champion Armand Duplantis ng Sweden,na nereset ang kanyang sariling marka na 6.23 meters.
Nalundag ni Obiena ang 5.82 sa kanyang pangalawang pagsubok at nilaktawan ang 5.92 meters, pero tatlong beses nabigo para maklaro ang 6.02 meters na babasag sa kanyang sariling personal best mark.
Pero, ang kanyang pagsisikap ay sapat na para okupahan ang second place, sa unahan ni Sam Kendricks ng United States,Australia’s Kurtis Marschall,at Christopher Nilsen ng United States, lahat sila na klaro ang 5.72 meters.
Kendricks ang third placed on countback.