Advertisers

Advertisers

Sen Bong Go sa Team Ph Asian Games… BRING HOME THE BACON!

0 100

Advertisers

MALAKI ang kumpiyansa ni Senator Christopher Lawrence ‘ Bong Go na magdedeliver ang ating pambansang atleta na sasabak sa Hangzhou Asian Games ngayong Setyembre- Oktubre sa China.

“ Good luck po sa ating mga atletang sasabak sa Hangzhou Asian Games.Kaya natin ito ,bring home the bacon!”,mensahe ni Senator Go,pinuno ng Senate Committee on Sports and Health sa sendoff ceremony na inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC) katuwang ang Philippine Olympic Committee ( POC).

“ Kami po bilang lingkod bayan ay palaging nasa likod ninyo para sumuporta sa inyong mga adhikaing makapagbigay ng karangalan sa bansa”.



Optimistiko ang pinaka-abalang public servant at sportsman na kayang lagpasan ng Team Philippines ang apat na gintong medalya na naiuwi noong nakaraang Jakarta Asiad sa Indonesia mag- apat na taon na ang nakaraan.

Ang Hangzhou Asian Games sa China ay nakatakda sa Setyembre 23 hanggang Oktubre 8 kung saan ay halos aabot sa 400 ang binubuo ng Team Philippines magmula sa atleta hanggang sa opisyales ng pambansang delegasyon sa pamumuno ni Chief de mission Richard Gomez. (Danny Simon)

Leave A Reply

Your email address will not be published.