Advertisers

Advertisers

Mapua spikers wagi vs San Sebastian

0 92

Advertisers

TINAPOS ng Mapua University ang kanilang kampanya sa 2023 V-league Collegiate Challenge sa pamamagitan ng three-set victory kontra San Sebastian College-Recoletos Linggo.

Kumayod si outside hitter Roxie dela Cruz ng 10 attacks,two service aces at one block upang tulungan ang Lady Cardinals na ibalibag ang Lady stags,25-15,25-22,25-22, matapos ang isang oras at 20 mimutong aksyon sa Paco Arena sa Manila.

Middle blocker Princess Jolina Barbiera bumakas ng nine points, kabilang ang three blocks,habang si outside hitter Raisa Jenel Ricablanca nagdagdag ng seven points,six on attacks para sa Mapua, na nabingwit ang kanilang ikalawang wagi na may limang talo pero hindi pa sapat para makausad sa second round.



Outside hitter Nadine Angeli Berces nagtapos ng six points at kumana ng seven excellent sets.

“Sabi ko lang sa kanila, sana ‘yung last game mapanalo nila para matapos namin nang maayos ang liga (I just told them, I hope they win the last game so we can finish the league well),” Wika ni coach Aying Esteban.

Outside hitter Zenith Joy Deposoy umiskor ng 8 attacks at one block para sa San Sebastian.

Outside hitter katherine Santos nag-ambag ng four attacks at two service aces, habang middle blocker Juna May Gonzales may six points,kabilang ang two blocks. Libero Chloi Florenci nagtala ng 10 excellent digs at seven receptions.