Advertisers

Advertisers

Terrafirma Dyip napili si Stephen Holt

0 106

Advertisers

NAPILI ng Terrafirma Dyip si Filipino-American player Stephen Holt bilang top pick ng PBA Rookie Draft.

Ang 31-anyos na naglaro sa Romanian team na CSM Oreada ay naglaro din sa NBA Developmental League na Canton Charge at Brisbane Bullets at ilang liga sa Europa.

Nag-apply ito sa NBA Draft noong 2014 pero naging undrafted na siya.



Naglaro siya sa Atlanta Hawks noong 2014 sa NBA Summer League.

Sinabi nito na pangarap talaga niyang maglaro sa PBA kung saan maituturing niya ang sarili bilang two-way player at shooter.

Mayroong 124 applicants ang napayagan ngayon sa PBA Draft.

Kasaman niyang na-draft ng Terrafirma si TJ Miller.

Naging second overall pick naman si Christian David habang si Luis Villegas at Keith Datu ay napili ng Rain or Shine.

Kinuha ng NorthPort si Zav Lucero fpara sa fifth overall pick, habang si Ken Tuffin ay napili ng Phoenix.



Pinili naman ng NLEX si Richie Rodger, habang ang Meralco ay napili si Brandon Bates.

Sina Schonny Winston at BJ Andrade ay kinuha ng Converge,habang si Cade Flores ay pinili ng NorthPort.