Advertisers

Advertisers

MARVELOUS MANALO: GOLD PA MORE SA ASIAD ATLETANG PINOY!

0 33

Advertisers

RAMDAM ni international multi medalist billiards and snooker icon Kap. Marlon ‘Marvelous Manalo ng Pilipinas ang overwhelming feeling ng isang pambansang atleta na nakatatak ang bandila ng Pilipinas sa dibdib lalo na iyong mga lumalaban na para sa presyoso at mailap na gintong medalya.

Ilang kampeonato sa international na entablado at mga ginto sa SEAGames ang inihandog ni Manalo para sa bansa Kaya nadarama niya rin ang entusyasmo ng ating mga atleta ngayong nananalo ng medalya sa Aichi Nagoya Asian Games 2026 sa Japan.

Tulad ng dati, dominante ng higante ang paghakot ng medalya sa pangunguna ng China na sinundan ng Japan at South Korea sa top 3.



Bumubuntot ang mga ‘istan nations na Kazakhstan at Uzbekistan na mga dating Russian Republics.

Our very own Philippines ay may 3 golds na kortesiya ni prized gymnast best bet Carlos Yulo, pole vaulter EJ Obiena ng athletics at ngayon ay going for gold na rin si Pinoy boxer Carlo Paalam at ang Pinay tennis sensation na si Alex Eala pero pwede pang madagdagan ito sa ibang disciplines kung saan ay malakas ang Pilipinas.



Nag-ambag din ng silver medals ang Gilas women’s 3×3 basketball at Jean Claude Sacdal sa mixed martial arts traditional habang bronze ang naiuwi ni Carlos Alvarez sa MMA,Marie June Adriano sa karate,Philippine Karate team women’s kata at Philippine women’s soft tennis team.

“Ating suportahan at i- cheer ang pambansang atleta natin.Laban Pilipinas!



Bilang dating naging national player sa international billiards and snooker at nakapagbigay na ng karangalan sa bansa,dama ko ang pressure at challenge na makapagdeliver para sa bayan.

Iba kasi pag may bandila ng Pilipinas sa ating dibdib kaya todo bigay ang lakas,talino,liksi at gilas tuwing haharap at makikipagtunggali sa ibang lahi”, wika ni Manalo.

Atletang Pilipino… PANALO!

LOWCUT Salamuch and shoutout kay Kabalen Dennis Panes Magcalas diyan sa New Zealand, from AT to AC.. Grazie! Kudos to Roberto ‘ Mucho Dinero Rondez sa London, Coach Delfin Boholst and Champ Charly Suarez, Compadre Dave Carter diyan sa Clark, Ms Anne Odulio Navarro and of course Pre super pro players’ manager Danny Espiritu. MABUHAY!