Advertisers

Advertisers

VAPE BAN, TINUTULAN! NICOTINE SUMMIT NANAWAGAN SA RISK-BASED POLICY

0 28

Advertisers

Pinangunahan ng Philippine Tobacco Harm Reduction Advocates (PHILTRA) coalition ang 2nd National Summit on Nicotine and Harm Reduction, na pinagsama-sama ang mga medical expert, consumer groups, at kinatawan ng industriya para talakayin ang mga polisiya sa sigarilyo, vape, at iba pang produktong may nicotine.

Isinagawa ang summit sa gitna ng kinokonsiderang panukala ng gobyerno na ipagbawal ang vaping at heated tobacco products at patawan ng kaparehong buwis ng sigarilyo ang mga vape products.

Iginiit ng mga dumalo na hindi dapat awtomatikong kapareho ng sa combustible cigarettes ang buwis sa smoke-free alternatives, lalo na kung nais ng mga mambabatas na hikayatin ang mga adult smoker na lumipat sa mas hindi nakakapinsalang alternatibo.



“Harm reduction policies can save lives, while total bans risk fueling illicit markets and relapse,” ani Dr. Lorenzo Mata, presidente ng PHILTRA co-convenor na Quit For Good.

Tinalakay ng mga medical expert sa summit ang prinsipyo ng harm reduction na layong bawasan ang panganib sa kalusugan na dulot ng nicotine sa pamamagitan ng paghikayat sa mga naninigarilyo na hindi kayang tumigil na lumipat mula sa combustible tobacco.



Tinalakay din ang karanasan ng ibang bansa kabilang ang Sweden, United Kingdom, New Zealand, at Japan, kung saan bumaba ang smoking rates kasabay ng pagkakaroon ng alternatibo sa combustible cigarettes. Ang Sweden, partikular, ay nakapagtala ng 3.7 percent daily smoking rate na mas mababa kaysa sa maraming bansa sa Europe.

Kinilala ng summit ang pangangailangan ng gobyerno na magtaas ng kita, ngunit nagbabala na kung gagamitin lamang bilang dagdag na source ng tax revenue ang smoke-free alternatives ay maaaring mawalan ng opsyon ang mga naninigarilyo na lumayo sa sigarilyo.



“We cannot look at these products only as another source of tax revenue. For smokers, they can also represent an opportunity to move away from cigarettes,” ani Joey Dulay, Presidente ng Philippine E-Cigarette Industry Association (PECIA).

Binigyang-diin din sa summit ang kaugnayan ng pagbubuwis, affordability, at illicit trade. Ayon sa pinakahuling pag-aaral ng European Union-Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Business Council (EU-ABC) at Euromonitor International, apat sa bawat limang e-vapes sa merkado ay hindi nabubuwisan, habang tinatayang aabot sa P141 bilyon ang nawalang excise tax revenue ng gobyerno noong 2024 at 2025 dahil sa illicit tobacco at vapor trade.

Nagbabala ang mga kalahok na ang mas mataas na buwis sa legal na alternatibo nang walang mas mahigpit na pagpapatupad laban sa illicit products ay maaaring magtulak sa mga konsyumer sa mas murang untaxed products.

Tampok din sa summit ang visual exhibit na pinamagatang “When Choice Brings Hope,” kung saan ibinahagi ng mga Pilipinong konsyumer kung paano napabuti ang kanilang buhay dahil sa access sa smoke-free alternatives na nakatulong sa kanila na layuan ang sigarilyo.

“Ang hinihiling lang natin ay ganito, na ang polisiya ay nakabatay sa ebidensya at sa antas ng panganib,” ani Ka Anton Israel ng Nicotine Consumers Union of the Philippines (NCUP). “The choice belongs to the Filipino consumer. Ang tungkulin natin ay tiyakin na hindi ito mawawala, na mananatili silang may access, may choice, at may pag-asa,” dagdag ni Israel.

Nanawagan ang summit para sa mas mahigpit na pagpapatupad ng kasalukuyang regulasyon, lalo na laban sa illicit trade at youth access, habang pinapanatili ang risk-based distinction sa pagitan ng combustible cigarettes at smoke-free products.( Jocelyn Domenden)