Advertisers
We can’t help but to react sa naging bulgarang pagpapahayag ni Justice Secretary BOYING Remulla na interesado siya sa posisyong babakantehin ni OMBUDSMAN Samuel Martires.
Ugaling BUWAYA naman ang mga ganitong galawan.
Kalihim ka na ng Justice Department ,Kalihim din ng DILG ang iyong nakababatang kapatid na si Jonvic Remulla at pinatakbo mo at nanalo rin naman bilang Gobernador ng Cavite ang iyong anak na si Governor Abeng Remulla ,the nêrve of you Sec.BOYING to still asked for more.
Para mo na ring sinabi na ikaw lamang àng magaling na lalaki sa balat ng lupa.
Kulang pa ba ang kapangyarihan mong taglay at ng iyong pamilya sa administrasyong ito ni Marcos Jr.?
No one in his right mind can do this “kakapalan ng MUKHA” except you!
Nakakagulat talaga!
Kahit yung mga kasamahan mo dyan sa DOJ at sa gabinete,nabingi sa naging statement mo!
KASUWAPANGAN sa kapangyarihan to the max ang gusto mong makapangyari!
Ego tripping ba yan Mr.Secretary o sadyang naniniwala kang susundin ni BBM ang hiling mong kapritso?
Kung magkaganoon man at magkatotoo,IKAW NA BOYING REMULLA!
Pagawa ka na rin ng rebulto sa Luneta sa tabi ni Rizal at palagyan mo ng mga katagang ” PINAKA- DAKILA AT MAGALING NA LALAKI sa lupalop ng Pilipinas!
Siguro naman,it’s more than enough to satisfy your cravings for power,fame and attention.
Pero matay mang isipin ng buong sambayanang PILIPINO, saan hinuhugot ni Kalihim BOYING ang kapal ng MUKHA to asked for more?
Asking for the moon and the stars!
May mga tao pala talagang walang kakontentuhan!
Walang delicadeza!
Di natin hawak ang mga kaganapan sa kakaibang gobyernong meron tayo sa kasalukuyan.
Lahat naman ng gustuhin ng mga nakaupo sa kapangyarihang ay posible… legal man ito o salungat sa mga umiiral na batas at desenteng pamantayan!
Ang tanging alam lamang naming mga ordinaryong mamamayan ay ang lahat ng mga palalo at pang- aabusong nangyayari ay may katapusan.
Nothing and no one is permanent and infinite!
May isang tunay na dakilang nilalang na huhusga sa mga gawaing masama at pang- aabuso.
Kung ang garapalang pahayag ni Remulla na gusto nya ang mababakanteng posisyon ng OMBUDSMAN despite being the current Justice Secretary ay di KASUWAPANGAN at pagiging ganid sa kapangyarihang,wala na tayong salitang mahagilap pa sa diksyonaryo para ilarawan ang ganyang kagarapal na galawan.
Mr.Marcos Jr. can hid and go with Boying’s request and to hell we care!
And what’s a new Ika nga?
Sanay na ang mga mamamayang Pilipino sa inyo!
Go and make our day!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com