Advertisers

Advertisers

WHISTLEBLOWER NG DOJ NA SINA PATIDONGAN AT BANTILES, KINASUHAN NI ATONG ANG SA MANDALUYONG PROSECUTOR OFFICE

0 65

Advertisers

Kasama ng negosyante at online gaming tycoon Charlie Atong Ang ang abogadong si Atty. Lorna Kapunan at personal na naghain ng kasong kriminal sa tanggapan ni Mandaluyong City Prosecutor Arthur Magpantay.

Dakong alas 9:00 ng dumating sa korte si Atong, sa complaint affidavit ng negosyante kasong robbery with violence and intimidation, grave threat, grave coertion at umano’y paninirang puri laban sa whistleblower ng Department of Justice (DOJ) na si Julie “Dondon” Patidongan at Alan Bantiles alyas Brown.

Silinabi ni Ang, kinikikilan umano s’ya ng milyon-milyong peso kapalitan nang di pagdawit sa kaso.



Ani Atong, winawasak umano nina Patidongan at Bantiles ang kanyang pagkatao at anxiety at stress ng kanyang pamilya sa patuloy na pagdawit sa nawawalang sabungero.

Kasabay nito, unaapela si Ang sa publiko at sa media na iwasan ang pagpapakalat ng maling impormasyon o konklusiyon, at iginiit na ang karapatan sa due process ay manaig at maiwasan ang trial by publicity. (Edwin Moreno)