Advertisers
Ni Beth Gelena
MAY bagong post si Yassi Pressman sa kanyang Instagram na isang video.
Ang caption ng video, “Get ready with me for Bubba’s Inauguration,”
Hindi lang si Yassi ang nasa video kundi ang boyfriend niyang pulitiko na si Luigi Villafuerte.
Si Luigi ay nanalong representative sa 2nd district ng Camarines Sur.
May touching message pa siyang caption na isinama sa video.
“@vincenzo.luigi’s big day. That’s my bubba. I’m so proud of you and all that you have done for your people. I’m excited for this new chapter, keep making us proud. Love youuuu.”
Agad na nag-trending ang post ni Yassi, not just for the couple’s obvious chemistry, but for Yassi’s glowing presence and genuine display of affection.
Komento ng netizens: “Big feminine energy! When you can be the most soft version of yourself with him… LOVE THIS!”
“Aaww, I’m happy for you and your bubba, Yassi.”
***
MEME VICE BUMISITA SA PBB HOUSE
BINISITA ni Vice Ganda ang mga housemate sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition.
Sa Monday episode ay makikitang pumapasok ang Unkabogable Star sa Bahay ni Kuya para humingi ng tubig.
Sa pagpasok niya sa PBB house agad na nagtilian ang mga housemates at excited sa hindi nila inaasahang bisita.
After na makainom ni Meme Vice ay nakipaghuntahan siya sa mga housemate .
Tanong ni Vice sa mga housemates, “Kung sikat na sikat na kayo, papasok pa kayo sa Bahay ni Kuya?”
Ang sagot ni Will Ashley, “Siguro sa mga natutunan ko dito, baka. Kasi hindi ko po talaga nakikita ang sarili ko na makapasok dito.”
Dagdag pa niya, “Parang noong time na ‘yon naisip ko na for experience. Experience out of my comfort zone.”
Para naman kay Esnyr, even if he becomes like Vice or Piolo Pascual, sasali pa raw siya sa PBB dahil lumaki siya na laging pinapanood ang show.
“Feeling ko papasok pa rin ako kasi ito ‘yung kinalakihan ko. Nanonood po ako dati nito sa probinsya. At gusto ko talagang ma-test ang sarili ko kung hanggang ano ‘yung kaya ko. Kung hanggang saan ako,” ani Esnyr.
Nang marinig ni Vice ang sagot ng mga housemate, nag-iwan si Meme Vice ng encouraging words sa mga ito.
“Sa inyo namang lahat walang imposible. All of you are limitless. All of you,” ani ng It’s Showtime host.
Dagdag pa ni Vice para kay
Esnyr, “You are limitless. Don’t let anyone tell you or dictate to you to be the next Vice Ganda. You can never be the next Vice Ganda because you can create your own path, and you will. I’m looking forward to seeing that. I’ll be on the side, rooting and applauding for you.”
Bago magpaalam si Vice ay nagpakuha ng group photo ang mga ito.
***
USAP-usapan ngayon sina Barbie Forteza at Jameson Blake.
May nakakita sa dalawang celebrity na magka-holding hands umano kung saan viral ngayon sila sa social media platforms.
Ang tanong ng netizens: “May promo ba? If wala, baka sila na nga. Bagay sila infairview”
“Obviously for promo lang lahat ng yan.”
“My movie sila ganyan si barbie pag may prinopromote sya”
“Bagay naman sila. For the first time nagkalab team siya ng pogi”
“I don’t think she is his type. I think he likes pretty girls. She has nice skin though.”
“Bagay sila in fairness. Yun lang parang hindi financially stable gaya ni barbie”
May panghuhusga naman ang isang commenter: “Napaka bilis magmove on sa 7years iba din.”
“There is no David and Barbie…ilusyon lang natin lahat yan.”
“Holding hands lang at least sa publiko sila nag holding hands kung my something sila ipapaalam paba nila sa madlang people magisip nga kayo at kapag ginawa nila eto big issue alam nila Yan kagaya ngayon pinag fifiestahan na sila ng intrga trending na sila sa social media sa lahat”
“Mas bagay sya sayo, si Jak kasi bagay sa mga mature girl. Si barbie kasi baby face bagay sa kanya baby face boy din’
“Grb nmn pati kamay nakazoom”
“Kung totoo nagkakaintindihan na cla ni David d nya gagawin Sabi pa sa interbyu nya walang malisya frnds cla ni David.”