Advertisers

Advertisers

Sarah Lahbati nag-post ng pahayag tungkol sa mga anak

0 19

Advertisers

Ni Beth Gelena

Muling nag-post si Sarah Lahbati ng isang pahayag tungkol sa pagpapalaki at paggabay sa mga anak, na muling naging usap-usapan sa social media.

Bagama’t hindi malinaw kung sino ang partikular na tinutukoy ni Sarah, nakatuon ang mensahe sa kahalagahan ng pagiging mabuting halimbawa ng mga magulang sa kanilang mga anak.



Nagpaalala rin ang naturang post tungkol sa respeto, tamang asal at edukasyong nagsisimula sa tahanan.

Dahil dito, nagkaroon ng iba’t ibang reaksiyon ang ilang netizens. May mga sumang-ayon sa mensahe ni Sarah, habang may ilan namang nagtanong kung may pinatutungkulan ang kanyang muling pag-post.



Sa kabila nito, walang direktang binanggit si Sarah na pangalan o partikular na tao sa kanyang post.