Advertisers

Advertisers

Binatang dinukot ng NPA, natagpuan patay

0 97

Advertisers

BANGKAY na nang matagpuan ang isang binata na dinukot ng mga miyembro ng New Peoples Army (NPA) sa Sitio Altas, Barangay Dungeg, Sta Teresita, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Mark Angelo Asuncion, 24 anyos, ng Barangay Sta. Clara, Gonzaga, Cagayan.

Unang naiulat na dinukot ang binata ng mga rebelde dalawang taon na ang nakakaraan.



Sa pinagsanib-pwersang pagtutulungan ng 95th Infantry Battalion (IB), 5th Mechanized Infantry Battalion, Cagayan PNP, Regional Mobile Force Battalion 2, SOCO at Marine Battalion Landing Team 10, at isang dating rebelde ay natunton ang katawan ng biktima sa isang bakanteng lote sa Sitio Altas.

Agosto 21, 2021, habang naglalakad ang biktima papunta sa kanyang kaanak sa Barangay Rebecca sa bayan ng Gonzaga nang harangin ito ng isang grupo, na napag-alamang grupo ng NPA.

Ipinasakamay na sa pamilya ang bangkay ng binata. (Rey Velasco)