Advertisers

Advertisers

Takip ng ballpen nalunok ng estudyante, patay

0 119

Advertisers

NASAWI ang 9-taon gulang na estudyante nang makalunok ng takip ng ballpen sa Bunawan, Agusan del Sur.

Nangyari ang insidente noong Martes, Setyembre 12, ng umaga habang nasa klase ang estudyanteng si alyas “Ron”.

“Parang kinagat niya ‘yung takip kasi hindi na sumusulat ang ballpen. Parang sinipsip niya yung ballpen kasi may mga tinta na sa kanyang kamay,” sabi ni Lara.



Isinugod sa ospital sa Bunawan ang bata dahil nahirapan itong huminga. Inilipat sa ospital sa Tagum City, Davao del Norte at dinala kalaunan sa Southern Philippines Medical Center sa Davao City.

Kinabukasan, Setyembre 13, pumanaw ang bata sa ospital dahil sa ‘acute respiratory failure’, batay sa death certificate nito.

“Hindi na siya naoperahan. Nilagyan lang ng tubo ang bata. Request sana namin ang immediate operation, pero namatay na ito kinabukasan,” dagdag ng tiyuhin ng bata.

Nananawagan ng tulong pinansyal ang pamilya para mabayaran ang kulang sa hospital bill ng bata.