Advertisers

Advertisers

PROTEKSYON NG KALIKASAN PRAYURIDAD NI CONG. PANALIGAN; HOUSE BILL NO. 132 INIHAIN SA KONGRESO

0 20

Advertisers

Tinalakay ng House Committee on Natural Resources ang House Bill No. 132 na inihain ni Oriental Mindoro 1st District Rep. Arnan C. Panaligan, na naglalayong ideklara ang Verde Island Passage (VIP) bilang isang Protected Seascape sa ilalim ng National Integrated Protected Areas Syste, (NIPAS).

Kilala bilang “Amazon of the Oceans,” ang Verde Island Passage na tahanan ng mahigit 1,700 marine species, reef-building corals at mga nanganganib na hayop tulad ng whale sharks, sea turtles at dugong.

Mahalaga rin ito sa kabuhayan ng mahigit dalawang milyong Pilipino na umaasa sa yamang-dagat para sa pagkain, pangingisda at turismo.



Gayunman, nahaharap ang lugar sa mga banta gaya ng mapanirang pangingisda, plastik at kemikal na polusyon, industriyal na basura, agricultural runoff at epekto ng climate change.

Noong 2023, nagdulot din ng malaking pinsala sa karagatan ang oil spill mula sa lumubog na tanker sa Oriental Mindoro.



Sa kanyang sponsorship speech, binigyang-diin ni Panaligan ang kahalagahan ng pagprotekta sa Verde Island Passage sa pamamagitan ng isang matibay na legal na balangkas para sa konserbasyon, rehabilitasyon at napapanatiling paggamit ng likas na yaman nito.

Saklaw ng panukala ang mga bahagi ng karagatan ng Batangas, Marinduque, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro at Romblon.



Layunin nitong palakasin ang pangangalaga at pamamahala sa mahalagang marine ecosystem para sa kapakinabangan ng kasalukuyan at susunod na henerasyon.

Kabilang sa mga prayoridad ni Cong. Panaligan ang pangangalaga sa kalikasan at pagprotekta sa likas na yaman ng lalawigan, gaya ng kanyang isinusulong na House Bill No. 132 na naglalayong isailalim ang Verde Island Passage (VIP) sa National Integrated Protected Areas System (NIPAS) bilang isang Protected Seascape.

Kilala bilang Amazon of the Oceans, ang Verde Island Passage na isa sa pinakamayamang sentro ng marine biodiversity sa mundo.

Tahanan ito ng napakaraming uri ng isda, korales at iba pang yamang-dagat na mahalaga sa balanse ng ekosistema at kabuhayan ng mga komunidad sa baybayin.

Sa pamamagitan ng House Bill No.132 na isinusulong ni Panaligan ang pagkakaroon ng isang mas matibay na balangkas para sa konserbasyon, rehabilitasyon at responsableng paggamit ng yamang dagat ng Verde Island Passage.

Hindi lamang kalikasan ang nakataya sa panukalang ito kundi nakasalalay din dito ang kalusugan ng karagatan, kabuhayan ng mga mangingisda, suplay ng isda para sa mga pamilihan at pagkain ng bawat pamilya, gayundin ang kita ng mga negosyonteng umaasa sa turismo.

Matatandaan ang nangyari sa yamang dagat nang mangyari ang oil spill sa Oriental Mindoro noong 2023, na nagdulot ng pinsala sa kapaligiran at nakaapekto sa mga komunidad na umaasa sa karagatan.

Patuloy din ang banta ng ilegal fishing at mapanirang pangingisda, polusyon at epekto ng climate change.

Dahil dito, pinagtibay ang mga hakbang sa ilalim ng NIPAS upang mapalakas ang pangangalaga sa mga bahura at tirahan ng mga lamang-dagat, upang mapigilan ang iligal!na aktibidad na gawain at isulong ang pangmatagalang seguridad sa pagkain at kabuhayan ng mga Mindoreño.

Kasabay nito, mahalagang matiyak ang sapat na pondo, maayos na pamamahala at ang mahigpit na pagpapatupad ng batas, gayundin ang partisipasyon ng mga lokal na komunidad, lalo na ng mga mangingisda.

Binibigyang-diin ng panukalang batas ang kahalagahan ng proteksiyon sa kalikasan, kabuhayan at kinabukasan ng mga Mindoreño.

@@@

Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09368625001/09397177977 o di kaya mag email balyador69@gmail.com