Advertisers

Advertisers

CHEMOTHERAPY CENTER NI LAGUNA GOVERNOR WALANG LICENSE TO OPERATE?

0 24

Advertisers

Bunsod sa mga alegasyong ireularidad sa operasyon ng SANTA CRUZ CHEMO THERAPY CENTER sa loob ng LAGUNA MEDICAL CENTER ay sinampahan ng reklamong GRAFT and CORRUPTION sa OMBUDSMAN si GOVERNOR SOL ARAGONES kasama sina DR. JOSE ODILON INONCILLO, DRA. HANNAH ALCALA, at mga OFFICIAL ng We Hope Medical Group.

Bunsod sa mga dokumentong nakalakip sa reklamo ay naglabas ang DEPARTMENT OF HEALTH ng NOTICE OF VIOLATION at CEASE and DESIST ORDER dahil sa kawalan ng kinakailangang LICENSE TO OPERATE.

Ang mga nagsampa ng reklamo ay sina LIGA NG MGA BARANGAY PRESIDENT OF LAGUNA (ABC PRESIDENT) at EX-OFFICIO BOARD MEMBER LORENZO ZUÑIGA JR.; LAGUNA BOARD MEMBER KARLA ADAJAR-LAJARA; JONEL OSIO, former LAGUNA MEDICAL CENTER SUPERVISING ADMINISTRATIVE OFFICER; at CALAMBA CITY COUNCILOR CHRISTIAN NINO LAJARA.



“Lumapit ang mga pasyente dahil nagtiwala sila sa pamahalaang panlalawigan. Dapat bago sila ginamot, tiniyak nang may lisensya ang pasilidad, kumpleto ang serbisyo, at malinaw kung sino ang responsable.
Buhay at tiwala ng tao ang nakataya” pahayag ni ZUÑIGA.

Ang mga tanong aniya na dapat sagutin ay kung
bakit pinayagang mag-operate nang walang kinakailangang lisensya?



Ayon sa reklamo, walang license to operate ang CHEMOTHERAPY CENTER noong ininspeksiyon ng DOH.., bakit itinuloy pa rin?

Sino umano ang nagsuri at nagpahintulot sa operasyon nito sa loob mismo ng LAGUNA MEDICAL CENTER?



Nauna rito ay may kahiwalay na kasong graft at grave abuse of authority na isinampa si Osio sa Ombudsman noong August 17, 2026 laban sa GOVERNOR at iba pang opisyal ng LAGUNA PROVINCIALGOVERNMENT.

Noong Sept. 28, 2026 ay sinampahan si ARAGONES at 4 pang opisyal ng probinsya ng kasong graft and corruption sa kaugnay ng kuwestyunableng “FREE CIVIL SERVICE REVIEW.”

Isang kasong administratibo pa ang isinampa ni LAGUNA BOARD MEMBER KARLA ADAJAR-LAJARA laban kay GOV. ArRAGONES noong October 9, 2026.

Lumalabas na pang-4 na reklamo na sa OMBUDSMAN ang kinakaharap ngayon ni GOV. ARAGONES.

Mga ka-ARYA.., tila tumitindi na ang sigalot sa mga opisyales ng LAGUNA PROVINCE na sana ay huwag maapektuhan ang kanilang mga mamamayan sa naturang lalawigan at kinakailangang dito ang malinaw na kasagutan ni GOV. ARAGONES hinggil sa mga iniaakusa laban sa kaniya!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.