Advertisers
HAWAK na ng Philippine National Police (PNP) ang mga kuha ng CCTV ng dalawang pangunahin salarin sa pagpatay kay Atty Saniata Liwliwa Gonzales Alzate sa Abra noong Huwebes ng hapon.
Ayon kay Colonel Jean Fajardo, hepe ng PNP Public Information Office, malaki ang maitutulong ng mga kuha ng mga CCTV sa isinagasagawang imbestigasyon ng binuong Special Investigation Task Group sa pagtukoy sa pagkakakilanlan ng dalawang pangunahin salarin para sa agarang pagkakadakip sa mga ito.
Aniya, ang mga kuha ng CCTV footage ay naisumite na nila sa PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) upang mapalinaw ang resolution.
Sa ngayon, sinabi ni Fajardo na wala pang malinaw na motibo ang mga imbestigador sa pamamaslang sa abogada base narin sa pahayag ng kamag-anak nito na walang natatanggap na mga pagbabanta sa kanyang buhay bago ang pamamaril.
Nanawagan si Fajardo sa publiko, sa mga posibleng nakakakila sa mga salarin, na nai-post sa social media ang mga larawan na makipagtulugan para sa agarang pagkakadakip sa mga ito.
Pinagbabaril ng mga salarin ang abogada habang ipinaparada ang kotse na Mirage G4 (AVA 6533) sa Zone 3, Bangued, Abra. Tumakas ang mga salarin sakay sa isang motorsiklo.
Binawian ng buhay ang biktima habang nilalapatan ng lunas sa Seares Memorial Hospital sanhi ng walong tinamong tama ng mga bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.(Mark Obleada)