Advertisers

Advertisers

Titser ‘di dadalo sa araw ng election, makakasuhan

0 129

Advertisers

MAAARING makasuhan ang mga titser na hindi dadalo sa kanilang mga itinalagang polling precint sa darating na barangay election bilang Board of Electoral Inspectors (BEI).

Sinabi ni Atty. Kevin Tibay ng Comelec Quezon City, sa sandaling mabigong dumalo sa kanilang nakatalagang duty ang mga guro ay posibleng masampahan ng kaso ang mga ito.

Sa isinagawang Quezon City Journalist Forum, sinabi ni Atty. Tibay na may moral obligation ang guro para dumalo sa kanilang nakaatang na tungkulin bilang isang BEI.



Kaugnay nito, sinabi naman ni Quezon City Police District Director, Brigadier General Rodrigo Maranan, na nakahanda ang QCPD sa gaganapin barangay election upang matiyak ang maayos at payapang halalan.

Ayon kay Gen. Maranan, nakahanda na ang 6,000 pulis sa lungsod para i-deploy sa iba”t ibang lugar ng lungsod

Sinabi pa ng QCPD director na walang silang natatanggap na report na may mga barangay captain na may death threat, at tiniyak nito ang maayos at mapayapang election sa Oktubre. (Boy Celario)