Advertisers

Advertisers

Bebot tumanggi sa sex, kinatay

0 132

Advertisers

ARESTADO ang isa sa dalawang salarin sa pagpatay sa babaeng tumangging makipag-sex sa Pasay City nitong Linggo ng gabi.

Naging mabilis ang aksyon ng mga imbestigador ng Pasay City Police Station sa pamumuno ni Captain Dennis D. Desalisa na nagsagawa ng follow up investigation, kabilang ang backtracking sa mga CCTV.

Sa ulat, September 17, 2023, 9:45 ng gabi sa harap ng Moonwalk Public Market, Talon 4, Las Piñas City nang makorner ng mga operatiba ang salarin na si Joshua Albior, ng 15 Waling Waling St., San Antonio Valley 17, Las Piñas City.



Bago ito, nakuha ang facial identity ng isa sa dalawang salarin sa isinagawang backtracking ng CCTV footages sa shooting incident 2:00 ng madaling araw sa biktimang si Evangeline Dulaca alias Erica Dulaca, na nangyari September 10, 2023 sa harap ng Venus Court Hotel sa San Juan St., Barangay 7, Pasay City.

Kinilala ni Desalisa ang salarin na si Gelbirth Albios Puerto, at sa tulong ng concerned citizens, natukoy ang pinaglulunggaan ng mga salarin.