Advertisers

Advertisers

200 MANGINGISDA SA LAS PIÑAS, MAKIKINABANG SA HIGIT P10-M LIVELIHOOD PROJECTS

0 22

Advertisers

Halos 200 mangingisda mula sa tatlong organisasyon ang makikinabang sa mahigit P10 milyon halaga ng livelihood projects na ipinagkaloob sa ilalim ng FISHCORE, tampok ang Green Mussel Culture gamit ang longline method.

Isinagawa ang ceremonial awarding sa Bernabe Covered Court, Pulanglupa Uno, bilang suporta sa mas responsable at matatag na aquaculture at alternatibong kabuhayan para sa mga coastal fishing community. Tinatayang nasa humigit-kumulang P3 milyon ang halaga ng proyekto ang matatanggap ng bawat organisasyon.

Kabilang sa mga benepisyaryo ang Samahang Mangingisda ng Daniel Fajardo, Inc., sa pamumuno ni Domingo C. Acotim; Tulungan ng Mangingisda ng Las Piñas, Inc., sa pamumuno ni Rodrigo L. Laurio Jr.; at Masayahing Mangingisda ng Bernabe, Inc., sa pamumuno ni Danilo A. Perez.



Dumalo sa awarding si Mayor April Aguilar, kasama sina Dr. August Michael B. Basangan, OIC ng City Agriculture Office-Las Piñas; Noemi SB. Lanzuela, Regional Director ng BFAR-NCR; at Barangay Pulanglupa Uno Chairman Guadalupe A. Rosales.

Naitala rin ang Las Piñas bilang LGU na nakatanggap ng pinakamaraming livelihood grants sa NCR sa ilalim ng programa, patunay ng patuloy na pagtutulungan upang palakasin ang kabuhayan ng mga mangingisdang Las Piñero. (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">