Advertisers

Advertisers

BOC, DA at Navy, Kinilala ni Sen. Kiko sa Matagumpay na Paghuli ng P700M na Bigas

0 26

Advertisers

Kinilala ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan ang mabilis na pag-aksyon ng Bureau of Customs (BOC), Department of Agriculture (DA) at Philippine Navy, l matapos maharang ang dalawang cargo vessel na may dalang humigit-kumulang 20,000 metric tons ng bigas mula Vietnam na nagkakahalaga ng P700 milyon, dahil sa mga kuwestiyonableng dokumento at kinanselang sanitary at phytosanitary permits.

Naharang noong Setyembre 17 at 21, 2026 ang MV Tay Son 2 sa Davao City, na may kargang 12,500 metric tons ng bigas, at ang MV Lucky Star at may dalang 7,500 metric tons.

Sa isang sesyon ng Senado, pinasalamatan ni Sen. Pangilinan, Chairperson ng Senate Committee on Agriculture, ang mga ahensya sa kanilang pagtutulungan upang mapigilan ang posibleng agricultural smuggling.



Ibinahagi rin ng Senador na personal niyang nakausap sina DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. at Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno, na nagkumpirma sa pagkakaharang ng dalawang barko at patuloy na nakatutok sa sitwasyon.

“We are thankful na sila mismo ang on top of the situation,” ani Pangilinan bilang pagkilala sa agarang pagtugon ng mga opisyal.



Binigyang-pansin din ng Senador ang malaking perang sangkot sa agricultural smuggling, kung saan aabot sa P700 milyon ang halaga ng mga naharang na bigas batay sa presyo sa world market.

Ayon kay Pangilinan, lumalabas din sa paunang imbestigasyon na posibleng may paglabag sa Republic Act No. 12022 o Anti-Agricultural Economic Sabotage Act of 2024, na naglalayong sugpuin ang malawakang smuggling ng mga produktong agrikultural.



Samantala, binigyang-diin ni Commissioner Nepomuceno na hindi titigil ang BOC sa mahigpit na pagbabantay sa mga pantalan upang maprotektahan ang kanuhayan ng mga lokal na magsasaka at matiyak na nasusunod ang batas sa pagpasok ng mga produktong agrikultural.

“Hindi natin hahayaang samantalahin ng mga smuggler ang ating mga pantalan para gumawa ng ilegal, habang ang ating mga magsasaka ang naaapektuhan. Malaking halaga ang pinag-uusapan dito, kaya mas lalo nating paiigtingin ang pagbabantay at pakikipagtulungan sa DA at iba pang ahensya. Nagpapasalamat din tayo sa Philippine Navy sa kanilang mahalagang tulong sa operasyong ito. Ang sinumang mapapatunayang lumabag sa batas ay dapat managot,” ani Nepomuceno.

Ang operasyon na ito ay bahagi ng patuloy na kampanya ng BOC laban sa agricultural smuggling, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na protektahan ang sektor ng agrikultura at sa Integrity, Accountability, and Modernization (IAM) Movement ni Commissioner Nepomuceno, na nakatuon sa mas mahigpit, tapat, at maayos na pagpapatupad ng mga batas sa Customs. (JERRY S. TAN)