Advertisers

Advertisers

18-anyos, arestado sa QC drug buy-bust ops

0 4

Advertisers

KALABOSO ang 18-anyos na lalaki nang maaktuhang may bitbit na aabot sa P340,000 halaga ng shabu na itinago sa underwear sa Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Alrahid Binag.

Sa ulat, nakumpiska ang limampung gramo ng shabu na nakatago sa isang sobre sa loob ng kanyang underwear.



Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. (Boy Celario)