Advertisers

Advertisers

2.454 Kilos ng shabu nakasilid sa tape dispensers nasabat

0 6

Advertisers

INAARESTO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-National Capital Region (NBI-NCR) ang isang indibidwal nang mahulihan ng 2.454 kilos ng shabu na nakasilid sa tape dispenser sa Pasay City.

Kinilala ng ahensya ang suspek na si Raymond Darag Dulla alyases Babe at Boy.

Siya ay mahaharap sa paglabag sa Section 5 (Transportation of Illegal Drugs)ng R.A. 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).



Ikinasa ang operasyon mula sa impormasyong natanggap ng ahensya noong Sept.14 na may ibinabyaheng shabu ang suspek na nakalagay sa brown box.

Natuklasan din sa karagdagang impormasyon na ang ssupek ay nagrerenta ng taxi at babagtas sa service road malapit sa Kenny Roger’s sa kahabaan ng Roxas Boulevard at Heritage Hotel sa Pasay City alas 8 ng gabi.

Mabilis namang naghanda ang mga operatiba ng NBI-NCR para sa operasyon.

Noong Sept.14 nagtungo ang NBI-NCR sa Pasay City at nag-abang sa nasabing lugar kung saan dadaan ang taxi.

Nang maispatan palihim na sinundan ng NBI-NCR ang suspek sakay ng naturang taxi .



Naobserbahan din ang sinmasabing brown box sa loob ng taxi lkaya hindi na nag-atubili ang mga operatiba na harangin ito upang hindi na makatakas pa.

Agad inaresto ang suspek at nakumpiska sa kanyang pag-iingat ang tape dispenser na naglalaman ng white crystalline substance na shabu.

Dinala sa NBI-Forensic Chemistry Division (FCD) para sa examination ang nakumpiskang droga na nagkakahalaga ng P16 milyon.

Nagpositibo rin s ashabu at marijuana ang suspek matapos sumailalim sa drug test.(Jocelyn Domenden)