Advertisers
ARESTADO ang isang drug group member at kasama nito sa buy bust operation ng Valenzuela PNP.
Kinilala ni Valenzuela Police Chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong mga suspek na sina si Marlon Torcuator alyas “Nono/Negro”, 43, miyembro ng “Alvin Velasco Drug Group”, residente ng Independence St, Gen T. De Leon, at Raymundo Ceis Jr, 56, ng P. De Guzman St. Parada.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, 9:30 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcemenet Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Cpt. Joel Madregalejo ng buy bust operation na isang pulis ang nagawang makabili sa suspek ng P300 halaga ng shabu.
Inaresto agad ang suspek kasama si Ceis sa L. Bernardino St., Brgy. Gen. T De Leon.
Nakuha sa mga suspek ang humigi’t kumulang 10 grams ng shabu na may standard drug price value na P68,000 at P100 recovered money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.(Beth Samson)