Advertisers

Advertisers

27 nadakip sa gun ban habang ipinapatupad ang check point

0 3

Advertisers

NADAKIP ng mga tauhan ng Quezon City Police District ang 27 individual sa ipinatutupad ng gun ban habang nagpapatupad ng check point ang mga awtoridad sa naturang lungsod.

Nabatid kay QCPD director PGEN. Rodrigo Maranan ang mga nadakip na individual ay naaresto habang nagpapatupad ng check point ang mga pulis bilang paghahanda sa barangay election.

Sinabi ng QCPD director na pawang walang kaukulang papeles para sa kanilang dalang baril ang mga dinakip.



“27 arrested in gun ban, habang nagpapatupad ng check point ang ating mga pulis” ayon kay Maranan.
Sinabi pa ni Maranan sa kasalukuyan labing anim (16) na check point ang nakalatag sa iba’t-ibang lugar ng lungsod Quezon at madadagdagan pa ito habang papalapit ang election.

Ayon pa sa QCPD director nakahanda ang 6,000 tauhan ng QCPD para sa gagawin barangay election para matiyak ang orderly at peaceful election sa lungsod.(Boy Celario)