Advertisers

Advertisers

Trabaho sa abroad para sa Manileño – Mayora Honey

0 12

Advertisers

MAGANDANG balita para sa mga residente ng Maynila na nagnanais na makapagtrabaho sa ibang bansa.

Inanunsyo ni Manila Mayor Honey Lacuna na magkakaroon ng “overseas mega job fair” ang pamahalaang lungsod na gaganapin sa SM Manila Activity Center (upper ground floor) sa September 29, 2023 (Friday).

Sinabi ni Lacuna na ang job fair ay gagawin mula 10 a.m. hanggang 4 p.m. at lahat ng interesado ay dapat na magsuot ng casual attire, magdala ng 10 ng resume at sariling ballpen.



“Arrive at least 30 minutes bago ang actual interview para relaxed na kayo at dapat kahit papano ay nakakain na kayo para di naman po kayo gutom habang iniinterview dahil minsan hindi tayo gumagana mabuti kapag gutom,” ayon sa alkalde.

Ang nasabing gawain ay pinangunahan ng city government’s public emplyoment service (PESO) office na pinamumunuan ni Fernan Bermejo.

Nabatid kay Lacuna na mula January 1 hanggang September 14, ang running total mg mga trabahong naibigay na sa mga walang trabahong Manileño ay umabot na sa 18,801.

Sa nasabing bilang, 4,229 ang hired on the spot; 6,613 naman ang placement report sa employers at 2,950 ang nakakuha ng trabaho mula sa Joyride Philippines. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">