Advertisers

Advertisers

2 Magnanakaw ng P147K cable wire, tiklo

0 3

Advertisers

Dalawang kalalakihan ang naaktuhan ng mga village watchmen sa isang subdibisyon na nagnanakaw ng mga aerial cable wires ng Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT) nitong Martes (Setyembre 19) sa Las Piñas City.

Kinilala ni Las Piñas police chief P/Col. Jaime Santos ang dalawang arestadong kawatan na sina Aldrin Nieva, 24, alias “Bisaya”; at Jowel Eyas, 20.

Sinabi ni Santos na nadakip ang dalawang suspek sa kahabaan ng Maria Concepcion Roa St. BF Resort, Barangay Talon Dos, Las Piñas City.



Ayon pa kay Santos, nahuli sa akto ng mga village security officers ang dalawang suspects na nagpuputol at nagbababa ng kable ng PLDT mula sa poste sa nabanggit na lugar.

Narekober sa posesyon ng mga suspects ang kable ng PLDT na nagkakahalaga ng P147,516.71; kitchen knife at hacksaw blade.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Cable Television and Cable Internet Tapping Act of 2013 at Batas Pambansa 6 (illegal possession of bladed weapon) kaugnay sa Omnibus Election Code ang mga suspects na kasalukuyang nakapiit sa Las Piñas police custodial facility.