Advertisers

Advertisers

2 Rapist, arestado sa Tondo

0 11

Advertisers

Arestado sa hot pursuit operation ng National Bureau of Investigation – Anti-Organized and Transnational Crime Division (NBI-AOTCD) ang dalawang indibidwal sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang mga naaresto na sina Merwin Tamayo Tagalado at Miguel Agno Frades.

Ayon sa NBI, dumulog ang biktima kasama ang kanyang ama upang maghain ng pormal na reklamo sa tanggapan ng NBI-AOTCD noong Setyembre 14 .



Nangyari umano ang panghahalay sa biktima makaraang mag-inuman kasama sina Tamayo at Agno at sinimulan hawakan ang kanyang hita at halikan habang siya ay pumipiglas.

Dahil sa kalasingan nawalan ng malay ang biktima kaya sinamantala ng mga suspek ang pagkakataon.

Nang magkaulirat, narinig nito ang boses ni Agno na bumulong sa kanya at nagpasalamat habang ibinabalik ang kanyang underwear.

Nakita rin ng biktima si Tamayo na isinasara ang butones ng kanyang pantalon hanggang nawalan uli ng ulirat dahil bangag sa alak.

Nang manumbalik ang lakas ng biktima, agad itong nagtungo sa police station kung saan pinayuhan na magtungo sa Philippine General Hospital (PGH) upang maeksamin.



Lumabas sa ano-genital examination na isinagawa ng PGH sa biktima na may indikasyon ng blunt force o penetrating trauma.

Kaya naman, nagsagawa ng hot pursuit operation ang NBI-AOTCD laban sa mga suspek.

Sa drug test, nagpositibo sa Tetrahyrocannabinol, o “marijuana” ang mga suspek.

Iniharap na rin sa inquest proceedings ang dalawa sa kasong Rape at Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.(Jocelyn Domenden)