Advertisers

Advertisers

BADOY, PARLADE GUILTY SA RED-TAGGING

0 24

Advertisers

Guilty!
Ito ang naging hatol ng Office of teh Ombudsman kina Retired Gen. Antonio Parlade at dating USec Lorraine Badoy kaugnay sa ginawa nilang red tagging sa mga human rights lawyer.

Napatunayan guilty sa administrative offense na Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service sina dating retired Parlade at Badoy na kapwa dating opisyal ng National Task Force to end Local Communist (NTFLAC).

Ito ay dahil sa maling pag uugnay nina Parlade at Badoy sa Communist Party of the Philippines New Peoples Army (CPP NPA) sa mga miyembro ng National Union of Peoples Lawyers na itinuturing na mga human rights lawyer



Gayunman, reprimand lang ang ipinataw ng Ombudsman laban kina Badoy at Parlade

Pero kung uulit umano ang dalawa, maaari silang maharap sa mas mabigat na kaparusahan

Dinismiss naman ng Ombudsman ang reklamo laban kay dating NTF ELCAl vice chair ermogenes Esperon Jr.

Si Badoy ay kabilang din sa mga naunang sinampahan ng reklamo ng ilang kilalang personalidad dahil sa usapin ng red tagging.(Almar Danguilan/Ernie dela Cruz)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">