Advertisers
KULONG ang apat na sangkot sa illegal na droga, kabilang ang isang misis nang makuhanan ng baril at P68,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng Caloocan PNP nitong Huwebes ng madaling araw.
Kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief P/Capt. Jerry Terte ang mga naaresto na sina alyas “Bodo”, 39; garbage collector, alyas “Boy”, 30, cellphone technician, alyas “Dondon”, 40′, construction worker; at alyas “Judith”, 40, pawang residente ng Barangay 12.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa pagtutulak ng illegal na droga ni alyas Dondon kaya isinailalim nito ito sa validation at nang magpositibo, ikinasa ng mga operatiba ng DDEU ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek sa Bangayngay St., Brgy. 12..
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 10 grams ng shabu na may standard drug price value na P68,000.
Nakuha pa din kay alyas Dondon ang isang cal. 38 revolver na may holster at kargado ng anim na bala.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 habang karagdagan kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition in relation to Omnibus Election Code ang kakaharapin pa ni alyas Dondon.(Beth Samson)