Advertisers
Sugatan ang isang estudyante na naunang manuntok at ginantihan at bugbugin ng limang lalaki sa Legazpi, Albay.
Sa ulat, hinabol ng grupo ng mga salarin ang biktima sa Barangay Humapon noong Biyernes.
Ilang saglit lang, natumba at nadapa ang lalaki, ngunit nagawa pa rin niyang makatakbo, hanggang sa maabutan siya at pinagtulungang bugbugin ng mga salarin .
Sinabi ng opisyal ng barangay na niresbakan ng grupo ang biktima, na naunang nanuntok noong nakaraang linggo.
Desidido naman ang mga magulang ng biktima na sampahan ng reklamo ang mga salarin .
Nagtamo ng mga sugat sa katawan ang biktima, na kasalukuyang nagpapagaling.