Advertisers

Advertisers

Hepe ng Bacoor Police pinasisibak ng PNP Chief

0 22

Advertisers

Sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Benjamin Acorda Jr. na iaatas niya ang pagsibak sa hepe ng Bacoor City police sa Cavite nang maaresto ang dalawang police sergeant sa lungsod dahil sa pangingikil.



Ayon kay Acorda na ang kanyang atos na alisin si Bacoor City police chief Lt. Col. Ruther Saquilayan, naaayon sa one-strike policy ng police force at sa prinsipyo ng command responsibility.

Matatandaang arestado sa isinagawang entrapment operation ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) nitong Martes ng umaga sa Barangay Molino sina Senior Master Sgt. Joselito Bugay at Staff Sgt. Gregor Bautista.

Nadakip din ang isang sibilyan na kinilalang si John Louie de Leon habang nakaiwas sa pagkakaaresto ang isa pang suspek na si Edralin Gawaran, pinuno ng Traffic Management Department ng Bacoor City.

Narekober sa mga suspek ang tatlong baril at iba’t ibang bala.

Sinabi ni Acorda na nag-ugat ang operasyon sa reklamo ng mga local transport leaders at ng pamahalaang lungsod na nagsasabing humihingi ng “grease money” ang mga suspek kapalit ng proteksyon sa anumang paglabag.

“It is estimated that they amassed around PHP1.5 million per month, with an average of PHP170,000 per transport group. The police officers allegedly used threats to coerce drivers and transport leaders into providing these payments, which were supposedly intended for officials of the Bacoor traffic management department and other individuals involved,” ani Acorda.

Sasampahan ang mga suspek ng kasong robbery, illegal possession of firearms at paglabag sa Omnibus Election Code kaugnay ng gun ban.