Advertisers
NAGDEKLARA si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng special non-working holiday sa ilang lugar sa bansa.
Sa Mt. Province, walang pasok sa Oktubre 6, 2023 para sa selebrasyon ng Provincial Indigenous People’s Day.
Batay sa Proclamation No. 348 na nilagdaan ni Executive Sec. Lucas Bersamin, binanggit na kaya idineklarang ang holiday sa nasabing araw ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan ng Mt. Province na makiisa sa okasyon.
Kasabay nito, idineklara rin ni PBBM bilang special non-working day ang Setyembre 29,2023 sa Iligan City upang bigyang-daan ang pagdiriwang ng kapistahan ng lungsod.
Samantala, wala ring pasok o special non-working day din ang Oktubre 5,2023 sa Sta. Cruz, Davao Del Sur para naman sa selebrasyon ng ika-139 na araw ng pagkakatatag o founding anniversary ng naturang bayan. (Gilbert Perdez)