“Maynila wala ng bakuna sa COVID” – Mayora Honey
Advertisers
“WALA na tayong bakuna kontra sa COVID-19.”
Ito ang inanunsyo ni Manila Mayor Honey Lacuna, na nagsabi na bagama’t tinanggal na ang state of health emergency, hindi nangangahulugan na wala na rin ang COVID .
Ayon kay Lacuna, ang pinakahuling tala mula sa city health department na pinamumunuan ni Dr. Poks Pangan ay tatlong bagong aktibong kaso ng COVID.
”This means that we have a total of 33 confirmed, active cases,” saad nito.
Ipinahayag pa ng alkalde na isang konsolasyon na wala ng critical o severe cases na naitatala, pati na rin ang kamatayan dahil sa COVID-19.
“Wala na tayong bakuna pero nakausap ko si Health Undersecretary Rosario Vergeire na patuloy pa ring magbibigay ang DOH sa mga lungsod, hindi lang Maynila, ng mga bakuna laban sa pneumonia at influenza,” anunsyo ni Lacuna.
Kapag ito ay available na, sinisigurado ng alkalde sa mga residente, lalo na sa mga senior citizens na mas delikado sa pneumonia, sila ay iimpormahan agad, para sila ay mabigyan ng libreng bakuna.
”These vaccines will be made available in the health centers nearest to you,” dagdag pa nito.
Samantala, pinaalala ni Lacuna na ang libreng swab tests ay patuloy pa ring ibinibigay sa mga pagamutan sa lungsod para sa mga residenteng nangangailangan nito.
Ayon sa alkalde, ang libreng swab test ay patuloy pa ring nagpapakita ng positibong resulta sa COVID para sa mga indibidwal na sumasailalim dito. (ANDI GARCIA)