Advertisers

Advertisers

Pagbaligtad ng 2 aktibista, bagong istilo ng mga rebelde – Remulla

0 3

Advertisers

Inakusahan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang dalawang babaeng aktibista na pagawa ng bagong istilo ng mga rebeldeng komunista upang makuha ang simpatiya ng publiko.

Tinutukoy ni Remulla ang mga environmentalist na sina Jhed Reiyana Tamano at Jonila Castro na nagpahayag sa isang press conference ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict na sila ay dinukot ng militar at hindi umano boluntaryong sumuko.

Ayon kay Remulla, ang ginawa nina Tamano at Castro ay maaring taktika ng mga rebeldeng komunista upang i-discredit ang gobyerno.

Na set up aniya ang gobyerno upang magmukha itong masama sa mata ng publiko.

Magugunita na inihayag ni Tamano na kasama niyang naglalakad si Castro nitong Sept 2 ng pwersahan silang kinuha ng mga lalaki. Inakusahan ng dalawa ang pamahalaan na pinilit umano sila na pumirma ng affidavit na nagsasabing kakalas na sila sa communist movement.

Gayunman, iginiit ni Remulla na may katunayan ang pamahalaan na nagbigay ng boluntaryo at handwritten statements ang dalawa st pinirmahan ito sa harap mismo ng mga magulang ng dalawang aktibista.

Kumbinsido ang kalihim na bahagi na ng laro ng mga komunista na baligtarin ang sitwasyon upang makuha ang atensyon ng international community.

Hindi aniya kailanman bibigay ang pamahalaan sa pamba-blackmail ng dalawa.

Tiniyak naman ng Department of Justice na susundin nito ang tamang proseso ng imbestigasyon sa insidente sa sandaling maghain ng reklamo ang militar o ang dalawang aktibista.