Advertisers

Advertisers

Pagpasa sa bill pinaaapura ni PBBM…Mabigat na parusa laban sa kartel

0 13

Advertisers

PINAAAPURA narin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Senado ang pagpasa sa isang panukalang batas, na tulad sa smuggling ay itinuturing naring kasong economic sabotage at walang piyansa ang hoarding, profiteering at pagka-cartel ng agricultural products.

Sa liham na ipinadala ni PBBM kay Senate President Juan Miguel Zubiri, sinertipikahan ng pangulo bilang ‘urgent measure’ ang Senate Bill No. 2432 na layuning lumikha ng anti-agricultural economic sabotage council.

Sa ilalim ng bill, ituturing na economic sabotage ang pagpupuslit ng mga gulay, karne, isda at iba pang agricultural products, gayundin ang sobra-sobrang importasyon at pang-iipit ng mga kalakal.



Layunin din ng panukala na ipawalang-bisa ang Republic Act No. 10845 o Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 para itaguyod ang pagiging produktibo ng sektor ng agrikultura, protektahan ang mga magsasaka at mangingisda laban sa mga mapagsamantalang traders at importers, at tiyaking abot-kaya ang presyo ng mga fishery at agricultural products sa bansa.

Ang mga mapatutunayan namang dawit sa smuggling, hoarding, profiteering, at pagka-cartel ng agricultural at fishery products ay papatawan ng habambuhay na pagkakakulong at pagmumultahin ng triple sa halaga ng mga sangkot na produkto.

Ibig sabihin, kapag isang milyong piso ang halaga ng ‘involved’ na produkto ay magmumulta ng tatlong milyong piso ang akusado.

Samantala, ang isang opisyal o empleyado ng pamahalaan na mapatutunayang sangkot sa pagsasakatuparan ng economic sabotage ay papatawan ng ‘perpetual disqualification’ o hindi na papayagang humawak ng anumang posisyon o puwesto sa gobyerno, bumoto, tumakbo sa halalan, at tatanggalan din ito ng monetary at financial benefits bilang taong gobyerno.

Matatandaang pinamamadali ni PBBM sa Kongreso ang pagpasa sa House Bill No. 8980 o ang 2024 General Appropriations Bill. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">