Advertisers
KALBOSO ang isang guro nang madakip sa drug buy bust operation ng mga awtoridad sa Cebu noong Linggo.
Kinilala ang nadakip na si Glenn Pacaldo, 39 anyos, guro ng Mantalongon Elementary School sa nasabing lungsod.
Ayon kay Capt. Crisanto Arreglo ng Barili Police Station, nadakip ang guro sa Barangay Kalubihan, Barili.
Nakuha sa guro ang isang pakete ng shabu na aabot sa halagang P2,040.00.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa illegal drugs ang guro.
Ikinagulat naman ng pamunuan ng naturang paaralan ang pagkakadakip kay Placado at hindi pa rin sila makapaniwala na nasasangkot ito sa iligal na droga sa kabilang ng pagiging aktibo nito sa kanilang paaralan sa kampanya kontra-droga.
Sa pahayag ni Sheila Ares, principal ng Mantalongon Elementary School katuwang ang Department of Education-Barili District Office 2, magsasagawa sila ng imbestigasyon para sa posibleng parusang ipapataw kay Pacaldo.