Advertisers

Advertisers

Dennis blessed at proud na makapareha ulit si Bea

0 9

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

KINUMUSTA kay Dennis Trillo ang muli niyang pakikipagtrabaho kay Bea Alonzo, this time sa Love Before Sunrise ng GMA at VIU Philippines.



“Ako parang sobrang magical yung pakiramdam para sa akin! “Biruin mo simula nung… halos talagang nagsimula kami ni Bea noon sa ABS, sabay kaming nagwo-workshop, sabay kaming nagkaroon ng dance prod sa TV, sabay kaming ni-launch, sabay kaming nagre-rehearsals.

“Tapos after twenty years eto gagawa na naman kami ng isang napakagandang proyekto.

“Feeling ko sobrang blessed ko and proud dahil hindi naman kahit sino nakakatrabaho ang isang Bea Alonzo.

“Kaya sobrang suwerte ko na nandito ako ngayon kasama yung mga magagaling na artista dito, at siyempre si Bea, sobrang happy lang na nagkatrabaho kami ulit.

“At eto yung perfect project para gawin namin ‘to,” pahayag ni Dennis.

Kasama nina Dennis at Bea sa Love Before Sunrise sina Andrea Torres at Sid Lucero.



Mauunang ipalabas ng 48 hours in advance sa Viu Philippines ang Love Before Sunrise simula September 23, magpi-premiere naman ito sa September 25 sa GMA Telebabad Lunes hanggang Biyernes 8:50 ng gabi.

Kasama rin sa serye sina  Sef Cadayona, Rodjun Cruz, Vaness del Moral, Vince Maristela, Jose Sarasola, at Cheska Fausto.

Bahagi rin ng programa ang mga respetadong artista  na sina Nadia Montenegro, Tetchie Agbayani, Ricky Davao, Jackie Lou Blanco, Isay Alvarez, at Matet de Leon.

Ito ay sa direksyon ni Mark Sicat Dela Cruz at associate director na si Carlo Cannu.

Maaaring manood ang mga Global Pinoys via GMA Pinoy TV. Ang advanced episodes ng Love Before Sunrise ay 48 hours ahead sa Viu Philippines mula Sabado hanggang Miyerkules simula September 23.

 ***

PATULOY na napapanood ang BL (Boys Love) series na Stay sa Youtube channel ng Team Campy Entertainment.

Bida rito ang Fil-American actor na si Sebastian Castro bilang si Andre at ang American/South Korean actor na si Ellis Gage bilang si Joshua.

Si Sebastian ay naka-base na rin ngayon sa Amerika kung saan kinunan ang kabuuan ng serye.

Ang mga lumikha at direktor ng Stay ay sina Dexter Paglinawan Hemedez at Allan Michael Ibañez ng Team Campy Entertainment na mga direktor din ng critically -acclaimed indie film na 1st Sem noong 2016 na pinagbidahan ng multi-awarded actress na si Lotlot de Leon (na nasa cast din ng Stay) at then-newbie actor na si Darwin Uy na isa nang Regal baby ngayon.