Advertisers
NATAGPUAN ang cartridge ng isang pampasabog ng isang mangingisda habang naghahanap ito ng mga scrap sa Navotas City, Linggo ng umaga.
Sa ulat kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, 7:30 ng umaga nang matagpuan ang isang cartridge 60mm high explosive sa loob ng Domar Compound sa Bagong Silang St., Brgy., San Jose.
Ayon kay Lito Del Pilar, 43, mangingisda, habang naghahanap siya ng kalakal sa loob ng nasabing compound nang makita niya ang naturang bagay.
Kaagad ipinaalam ni Del Pilar ang natagpuan sa mga tauhan ng Navotas Police Sub-Station 3 na nagpapatrulya sa nasabing lugar na sila namang humingi ng tulong sa Explosive Ordnance Disposal (EOD).
Rumesponde naman sa nasabing lugar ang mga tauhan ng EOD saka inalis ang nasabing pampasabog para sa sàfekeeping bago ang disposal nito.(Beth Samson)