Advertisers

Advertisers

HULING INSIDENTE NG NAWALANG $300 SA NAIA, HINDI PA HULI, AYON SA HEPE NG OTS

0 8

Advertisers

INIHAYAG ni office for transportation security (OTS) chief Usec Ma O Aplasca sa isang interview na ang kontrobersyal na pagkawala ng $300 ng isang paalis na Chinese passenger kelan lamang ay hindi pa ang huli dahil nariyan pa umano ang ‘core’ na gumagawa ng mga nasabing mali.

“As of today, based on my observation, sa tingin ko, hindi pa ito ang huli dahil nandiyan pa ‘yung talagang core ng mga tao na ano. hindi pa rin tumatalima dun sa ating bagong direksyon tsaka sa internal cleansings program natin but I can confidently say na, the chances of them being caught ay masyadong mataas na ngayon because we have new personnel…mga bagong breed na di nila ito-tolerate,” ani Aplasca sa interview niya sa SMNI.

“I can confidently say na, the chances of them being caught ay masyadong mataas na ngayon because we have new personnel…mga bagong breed na di nila ito-tolerate,” dagdag pa nito.



Samantala, sinabi ni Manila International Airport Authority (MIAA) Officer-in-Charge Bryan Co na lubha niyang ikinalulungkot ang mga pangyayari.

“Said airport frontliners whose actions completely negate MIAA’s efforts to improve the service levels in our airport have no place in NAIA,” ani Co sa isang statement.

Napag-alaman din na kaagad-agad ibinigay ng MIAA ang request ng OTS na makita ang CCTV footages ukol sa pangyayari.

Bago kay Co, nagpahayag din ng pagkadismaya si Transportation Secretary Jaime Bautista:”I am saddened and very disappointed for such embarrassing deeds.”

Nakuhanan ng CCTV ang babaeng OTS screener na inaakusahan ng pasaherong kumuha ng kanyang nawalang $300 na lumulunok ng bagay habang itinutulak ito ng mga daliri papasok sa lalamunan at halinhinang iniinuman ng tubig.



Ayon sa nasabing OTS screener na sangkot sa pangyayari, tsokolate umano ang kinakain niya. Inihayag naman ng tagapagsalita ng OTS na mahigpit nilang ipinagbabawal sa mga taga-OTS ang kumain habang naka-duty. (JERRY S. TAN)