Advertisers

Advertisers

Pamamahagi ng ayuda sa sari-sari store owners sisimulan na sa Martes

0 14

Advertisers

KASUNOD ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nakatakdang mamahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng cash assistance sa mga sari-sari store owners na apektado ng implementasyon ng mandated price ceiling sa bigas.

Sa report ng DSWD sa Office of the President (OP), binanggit na nakatakda ang distribusyon ng cash ayuda sa mga nagtitinda ng bigas simula Martes, Setyembre 26, hanggang Biyernes, Setyembre 29, sa tulong ng Department of Trade and Industry (DTI) na siyang tumutukoy kung sinu-sino ang mga benepisyaryo.

Magugunitang inatasan ni PBBM ang ahensya na ayudahan ang mga maliliit na rice retailers na umaray dahil sa pagpapatupad ng price cap sa regular at well-milled rice sa buong bansa.



Sa Executive Order No. 39 ng Pangulong Marcos, ipinako sa P41.00 ang presyo ng kada kilo ng regular milled rice habang P45.00 naman sa well-milled.

Nabatid na sa 8,390-target micro and small rice retailers na target na pagkalooban ng ayuda, nasa 6,161 na sa mga ito ang naayudahan o katumbas ng P92.415 milyon na halagang nailuwal ng DSWD. (Gilbert Perdez)