Advertisers

Advertisers

10 trabaho na may pinakamataas na sweldo, inilabas ng PSA

0 28

Advertisers

INILABAS na ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang listahan ng sampung trabaho na may pinakamataas na sahod sa bansa.
Ito ay ayon sa datos na nakuha mula sa occupational wages survey para sa taong 2022.

Una sa listahan na may pinakamataas na sahod ang mga aircraft pilot at iba pang trabaho na may kinalaman sa air transportation kung saan aabot sa 135,363.00 ang average na buwanang sahod na tinatanggap ng mga ito.

Pumapangalawa ang mga software developers na may sahod na 70,595.00 kada buwan. Pangatlo sa listahan ang mga mathematicians na aabot sa average sahod na 69,654.00 kada buwan. Ang trabahong ito ay may kaugnayan sa insurance, reinsurance at pension funding.



Pasok sa pang-apat na pwesto ang production supervisors at general foremen na may buwanang kita na 63,017. Pang lima naman sa listahan ang mga applications programmers na tumatanggap ng 58,643.00 kada buwan. Pang anim sa listahan ang mga specialist medical practitioners na may sahod na 57.476.00 kada buwan, pang pito ang mga statisticians na sumasahod ng 51,607.00, sinundan ng mga medical doctors na may sahod na 51,251.00, mga geologist na may sahod na 49,059.00 at pang huli ang mga accountants na may buwanang average na sahod na 48,892.00. (Jonah Mallari)